ORATIO IMPERATA COVID- 19
God our Father, Your power brings us to birth, Your providence guides our lives, and by Your command we return to dust.
Lord, those who die still live in Your presence, their lives change but do not end. I pray in hope for my family, relatives and friends, and for all the dead known to You alone.
In company with Christ, Who died and now lives, may they rejoice in Your kingdom, where all our tears are wiped away. Unite us together again in one family, to sing Your praise forever and ever. Amen.
Mahabagin at mapagmahal na Ama, nagsusumamo kami sa iyo upang hilingin ang iyong patnubay laban sa Covid-19 na nagpapahirap sa marami at kumitil na ng mga buhay.
Tunghayan mo kami nang may pagmamahal at ipag-adya kami ng inyong mapaghilom na kamay mula sa takot sa kamatayan at karamdaman, itaguyod mo kami sa pag-asa at patatagin sa pananampalataya.
Gabayan mo ang mga dalubhasang naatasan na tumuklas ng mga lunas at paraan upang ihinto ang paglaganap nito. Nagpapasalamat kami sa mga bakunang naisulong sa patnubay ng iyong mga kamay. Pagpalain mo ang aming mga pagsisikap na mawakasan ng mga bakuna ang pandemya sa aming bayan.
Patnubayan mo ang mga lumilingap sa maysakit upang ang kanilang pagkalinga ay malakipan ng husay at malasakit. Pagkalooban mo sila ng kalusugan sa isip at katawan, katatagan sa kanilang paninindigang maglingkod at ipagsanggalang sa karamdaman.
Itinataas namin ang mga nagdurusa. Makamtam nawa nila ang mabuting kalusugan. Lingapin mo rin ang mga kumakalinga sa kanila. Pagkamitin mo ng kapayapaang walang hanggan ang mga pumanaw na.
Pagkalooban mo kami ng biyaya na magtulong tulong tungo sa ikabubuti ng lahat. Pukawin sa amin ang pagmamalasakit sa mga nangangailangan. Sa pagdamay at malasakit namin sa bawat isa, malampasan nawa namin ang krisis na ito at lumago sa kabanalan at pagbabalik loob sa iyo.
Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Hesukristo na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, Diyos, magpasawalang hangan. Amen.
Dumudulog kami sa iyong patnubay, Mahal na Ina ng Diyos. Pakinggan mo ang aming mga kahilingan sa aming pangangailangan at ipagadya mo kami sa lahat ng kasamaan, maluwalhati at pinagpalang Birhen. Amen.
Mahal na Birhen, mapagpagaling sa maysakit, ipanalangin mo kami.
San Jose, ipanalangin mo kami.
San Rafael Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Roque,
ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.
On the Sacrament of Reconciliation in the Present Emergency of the Coronavirus
THE seriousness of the current situation calls for reflection on the urgency and centrality of the Sacrament of Reconciliation, along with some necessary clarifications, both to the faithful lay people and to the ministers called to celebrate the Sacrament. (read more)
Special Indulgences Granted to the Faithful Suffering from Covid-19
The present moment in which the whole humanity, threatened by the invisible and insidious disease that has become part of our lives for some time now, is marked day after day by anguished fears, new uncertainties (read more)